Dinagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondong gagamitin para sa pagho-host ng bansa 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11 upang hindi mapahiya sa mga karatig-bansa na kalahok sa multi-sport meet.

Inaprubahan ng Punong Ehekutibo ang dagdag-pondo bilang suporta sa ipinangako sa mga miyembrong bansa sa rehiyon para sa ikaapat na pagiging abala ng ‘Pinas sa Cabinnet meeting sa Palayo ng Malakanyang nitong Lunes.

Ang dagdag na P1 bilyon ay hiwalay pa sa una nang ibinigay ng administrasyon na P5.8 bilyon na nagmula sa 2019 General Appropriations Act na pinirmahan ng Chief Executive sa nakaraang buwan.

Pero hindi pa rin naibibigay ang pondo sa Philippine Sports Commission. (Lito Oredo)