Sinadyang hindi sumipot at taliwas sa naunang napaulat na inatake ng ­migraine si Pangulong ­Rodrigo Duterte kaya hind­i ito nakadalo sa ilang nakalinyang aktibidad­ sa katatapos na ASEAN Summit sa Laos, partikular ang ­bilateral talks sa pagitan ng iba’t ibang lider.

Ito ang pag-amin na ginawa ni Pangulong Duterte sa harap ng mga dumalo sa paggawad ng parangal par­a sa Metrobank Foundation Outstanding Filipino na gina­nap sa Heroes Hall ng Palasyo ng Malacañang ­kamakalawa ng hapon.

“I would like to apprise you of what I did. I did attend but I purposely did not attend the bilatera­l talks between ASEAN countries and the ambassador and the President of the United States. ­Talagang ini-skip ko ‘yun. I attended all others…may one-on-one ako and the ASEAN and also the Chinese, I was there,” paha­yag ni Pangulong Duterte.

Binigyang-linaw din ni Pangulong Duterte na hindi siya kontra sa kulturang kanluranin at ang dahilan lamang talaga ng kanyang pagliban sa pulong sa pagitan ng US at ASEAN member countries ay dahil sa prinsipyo.

“Now, the reason is not that I am anti-west. The reason is not, I do not like the Americans. It’s simply a matter of principle. Alam mo, had I not been elected as President of this Republic, tingnan ko masya­dong kawawa ang bayan­. Just look at the horizon and all the politicians there.

I’m not saying that I am the best. It’s God’s call ‘yang Presidente. Walang ano ‘yan. It’s destiny,” ayon pa kay Duterte.