Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kababaihang pulis na ipagpatuloy at higit pang pala­kasin ang kampanya ng administrasyon kontra iligal na droga kasabay ng pahayag ng kanyang todong ­suporta sa mga ito hanggang sa huli.

“Trabaho lang kayo. Ako na ang naggarantiya ngayon, not as a mayor but as a President, if you do it legally, fine. I will support you to the end,” bahag­i ng pahayag ni Pangulong Duterte sa 9th ­National ­Biennial Summit on Women in Community ­Policing sa Davao City kamakalawa.

“Now that I am the President, makagarantiya ako sa inyo. Just do it in the performance, in the fulfillment of a duty. Just do it right,” dagdag ng Pangulo.

Pinaalalahanan din nito ang kapulisan na ang kanilang katapatan ay dapat na ibigay sa bansa, sa bandila at sa Konstitusyon.

Kasabay ng pahayag ay binatikos ni Duterte ang kanyang mga kritiko na hindi tumitingin sa dami ng bilang ng mga napapatay na mga kagawad ng pulisya­ na napapatay sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“‘Yan hindi tinitingnan no’ng human rights… I lose two policemen a day. Dalawang police ‘yan on the average, araw-araw,” pahayag pa ng Pangulo.