Makakadalawa agad si Pangulong Rodrigo Duterte ng appointee sa Sandiganbayan dahil isa pang Justice sa anti-graft court ang magreretiro sa Hudikatura.

Ngayon ay magkakaroon ng special en banc session ang buong dibisyon ng anti-graft court para sa gagawing pagkilala sa retirement sa Hudikatura ni Justice Napoleon E. Inoturan.

Si Justice Inoturan ay senior member ng Sandiganbayan Second Division kung saan noong nakaraan linggo, ang chairperson ng nasabing Division na si Justice Teresita V. Diaz-Baldoz ay nagretiro rin.

Dahil dito, maaobliga si Duterte na magtalaga agad ng dalawang Justices sa anti-graft court na kanyang maging kauna-unahang appointee sa Hudikatura.

Base sa proseso, lahat ng aplikante para maging Justice sa Sandiganbayan ay mag-a-apply, iinterbyuhin ng Judicial Bar Council sa pangu­nguna ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Justice Secretary V­itallano Aguirre III, mga chairmen ng House committee on justice at Senate Committee on Justice, at tatlong iba.