Duterte nanawagan ng National Day of Prayer ngayong Miyerkules Santo

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan na magkaisa at magdasal ngayong Miyerkules Santo para malabanan ang giyera sa coronavirus disease 2019.

Napapanahon aniya na ipagdasal ng sambayanan ang kaligtasan ng bansa ngayong Holy Week gayundin ang pagkilala sa katatagan ng mga Pilipino sa harap ng pagsubok na dala ng COVID-19.

“This being the Holy Week, I am calling on the nation to come together this Holy Wednesday afternoon and pay tribute to the indomitable spirit of the Filipino and unite in one prayer to God to fight our common enemy,” anang Pangulo.

Inamin ng Pangulo na mabigat ang problema sa COVID -19, at kapag nagigising ito sa kalagitnaan ng gabi ay nagdadasal ito at kinakausap ang Diyos para sa kaligtasan ng sambayanan.

“Ako desperado na rin. Nagising ako , nakatutok ako sa dilim ng langit,nagdadasal ako para sa bayan. My God is the true God. It’s only one God, God the Father. He is only one,” dagdag ng Pangulo.

Umaasa ang Presidente na matapos na ang pagsubok na dala ng COVID -19 na nagpahirap sa maraming bansa sa mundo, pero kung kagustuhan aniya ng Diyos na tapusin ang mundo ay walang makakapigil nito kahit sinuman.

” If it’s time…He created the world, the planet earth, and if God wants it ended, so be it,” wika pa ng Pangulo.