Duterte nasa Cambodia na para sa WEF

Rodrigo Duterte Hun Sen

Dumating na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Cambodia nitong ­Miyerkules, Mayo 10, para sa lalahukan nitong World Economic Forum (WEF) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2017.

Lumapag ang eroplano ng Punong Ehekutibo sa Phnom Penh International Airport dakong alas-5:49 ng hapon (6:49 p.m. in Manila).

Kasama ng Pangulo sina Public Works Secretary Mark Villar, Trade Secretary Ramon Lopez, Transportation Secretary Arthur Tugade, at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Bahagi rin ng opisyal na delegasyon ng Pangulo sina National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia, Communications Secretary Martin Andanar, Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go, at Senator Alan Peter Cayetano.

Sinalubong si Duterte ng mga opisyal ng Cambodia na kinabibilangan nina H.E. Khieu Kanharith, Minister of Information, Minister in Attendance at H.E. Sieng Bunvuth, Deputy Permanent Secretary of Ministry of Foreign Affairs.

Dumalo rin ang Pa­ngulo sa Informal Gathe­ring ng World Economic­ Leaders at Multilateral­ Meeting kasama ang ASEAN Regional Stra­tegy Group.

Sa World Economic­ Forum on ASEAN ay nakaharap ni Pangulong Duterte sina Prime Minister Hun Sen ng Cambodia, Prime Minister Nguye­n Xuân Phúc ng Vietnam, at Prime Minister Thongloun Sisoulith ng Laos.

Nabatid na ang natu­rang forum ay magsisilbing oportunidad sa mga bansa na lumahok sa mas malawak na rehiyon sa pagtalakay ng common vision ng Southeast Asia at mga mamamayan nito.