Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng medical marijuana sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos aprubahan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang isang resolusyon para sa paggamit ng cannabidiol tablet na Epidiolex para sa may sakit.

Sinabi ni Panelo na hindi pa niya sigurado kung nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang ng DDB, pero noon pa sinabi ng Presidente na payag siya kung gagamitin bilang gamot ang marijuana.

“Hindi ko ko alam kung nakarating na ito kay Presidente. But eversince, sinasabi ng Presidente kung me­dical, okey lang sa kanya,” ani Panelo. (Aileen Taliping)