Hindi itinago ng Malacañang ang pagkairita sa mga abogado ng negosyanteng si Willy Keng, ang nagdemanda ng cyber libel kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.

Ito ay matapos magsalita si Atty. Joseph Ba­nguis at nilinaw na walang kinalaman ang Duterte administration sa kaso ni Ressa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat noon pa nagsalita ang mga abogado ni Keng para hindi nakaladkad si Pa­ngulong Rodrigo Duterte at magamit ni Ressa sa kanyang propaganda.
Pinalitaw aniya ni Ressa na may kamay ang Pangulo sa pag-aresto sa kanya kaya nakakuha ng magandang pagkakataon para resbakan ito.

Sinabi ni Panelo na mabagal ang mga abogado ni Keng kaya siya tuloy ang nagpapaliwanag sa isyung hindi naman dapat sagutin.