Duterte sa AFP: Destroy ASG

Mahigpit ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed of the Philippines (AFP) na durugin ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na wala umano siyang balak na alukin ng peace talks dahil sa maling ideolohiyang isinusulong.

Sa talumpati ng Pangulo sa 1st Infantry Division sa Labangan, Zamboaga del Sur kahapon, sinabi ng Pangulo na sarado na ang kanyang pintuan na maki­pag-usap sa Abu Sayyaf.

“That’s an order. Des­troy ASG,” pahayag ng Pangulo kasabay ng pagtiyak na ang mga kakaila­nganing bagong armas ng AFP ay darating na sa Dis­yembre at maaasahan pa ang dagdag-pwersa ng mga sundalo.

Sa pakikipag-usap sa mga sundalo, tiniyak din ng Pangulo na hindi niya hahayaan na maging agrab­yado ang panig ng mga sundalo sa laban sa Abu Sayyaf kasabay ng pagbatikos nito sa Mama­sapano incident sa termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan may napatay na 44 SAF member dahil ang operasyon ay nakatuon lamang sa pag-uunahan para makuha ang reward na naka­patong sa ulo ni international terrorist Zulkilfi bin Hir alyas Marwan.

“Oplan Exodus was all about Marwan’s bounty. Katong sa Mamasapano, it was a question of greed,” pahayag ng Pangulo kung saan ang SAF troops umano­ na nanguna sa operasyon ay inutusan ng taong ang habol lamang ay ang reward money.

Pangako pa ni Pangulong Duterte na sa kanyang termino ay walang mangyayaring kahalintulad ng Mamasapano inci­dent. Aniya, hindi niya ito papahintulutan at hindi ilalagay sa peligro ang buhay ng kahit na isang sundalo.

“These are the things na dili mahitabo sa akong panahon. Dili ko musugot­ anang tinorpe na desis­yon. It’s very stupid. Maasahan na nila iyan. Dili ko musugot ug in-ana [These are the things that will not happen du­ring my time. I will not allow another clumsy decision. It’s very stupid. You can count on me. I will not allow it to happen,” pagtatapos pa ng Pangulo.