Inalerto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mili­tar dahil sa posibilidad na pagresbak ng Abu Sayyaf bunsod ng mas pinaigting na operasyon ng puwersa ng gobyerno sa Sulu kung saan nagkukuta ang bandidong grupo.

“So bantay kayo because we are hitting the mark, I expect some kind of retribution also from them, that their reprisal,” habilin ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kabila ng pag-alarma sa militar ay pinawi ni Pangulong Duterte ang pangamba ng publiko at tiniyak ang kahandaan ng gobyerno sa anumang pag-atake ng mga tero­rista.

“But I’m just keeping your cool… meron naman tayong sundalo. But what you can dish out, I can do better 10 times. May Army ako, may eroplano. sila, wala maski papaano, wala,” pahayag pa ng Pa­ngulo.