Duterte sa AFP, PNP: Huwag kayo magkudeta!

Nanawagan si Pangu­long Rodrigo Duterte sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na huwag pag-isipan ang kudeta sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Inihayag ito ng Pa­ngulo matapos panguna­han ang ika-72 anibersaryo ng Phi­lippine Air Force sa Villa­mor Air Base sa Pasay City, Martes nang hapon.

Sa kanyang talum­pati, sinabi ng Pangulo na kung mayroon mang nagbabalak ng kudeta, huwag gawin ito sa kanyang termino at sa halip ay hayaang matapos ang kanyang termino.

“Because I know that the Armed Forces and the police will have to decide one day, somehow. Do not do it please during my term,” anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na kung ayaw na sa kanyang pamamahala ay mas mainam na tawagan na lamang itong magkape, sa halip na magparada ng mga kagamitang pandigma. (Aileen Taliping)