Walang nakikitang legal na balakid si Justice­ Secretary Vitaliano Aguirre­ II kung si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang uupo bilang kalihim ng Department of Envi­ronment and Natural ­Resources (DENR).

Reaksiyon ito ni Aguirre makaraang ihayag ni Secretary Gina Lopez na handa siyang magsilbing undersecretary ng DENR kung si Pangulong Duterte ang uupo bilang kalihim ng kagawaran.

Ang pagkakatalaga ni Lopez sa DENR ay ibinasura ng Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Aguirre, noong panahon ni da­ting Pangulong Ferdinand Marcos ay umakto­ itong kalihim ng Department of National Defense (DND) habang siya pa ang nakaupong presidente ng bansa at ito ay naulit noong panahon ng rehimen ni dating Pangulong Gloria Arroyo na nanilbihan din bilang concurrent secretary ng DND noong 2003 at 2006.

Noong 1998 hanggang 1999, itinalaga ­naman ni dating Pangulong Joseph Estrada ang sarili bilang pansamantalang kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Dagdag ni Aguirre, kung sa tingin ni Pa­ngulong Duterte ay wala itong nakikitang karapat-dapat na ipalit kay Lopez, maaari naman nitong hawakan ang DENR at aakto naman si Lopez bilang undersecretary.

Aminado si Aguirre na maging siya ay nanghihinayang sa hindi pagkumpirma ng CA kay Lopez dahil bihira lamang mga taong may matin­ding dedikasyon na panga­lagaan ang kalikasan.

2 Responses

  1. Malaki ang kahulugan kung bakit minungkahi ni Gina na si Duterte na lang ang mamuno sa DENR. Patunay iyan na walang iba ang magtatagumpay dahil sa lakas ng puwersa ng mining companies at katapatan ng papalit na DENR Sec.

    1. Kasi alam ni mam gina na si DUTAE ang protektor ng mga illegal miners …kaya.pang iinsulto lng yan sa inyong mga IDIOTERTARDS