Tutuldukan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pakikipagkaibigan nito sa sino mang gabinete na makakaladkad o mababahiran ng isyu ng katiwalian.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Digong­ sa kanyang naging pagtatalumpati sa ika-115 anibersaryo ng Philippine­ Coast Guard (PCG) sa Port Area­, Malate, Maynila kahapon ng hapon.

Pinaalalahanan ni Duterte ang mga cabinet members na iwasan ang “makipagbulong-bulungan” upang maiwasan ang korapsyon sa bansa.

“Just if given enough time and in the fullness of God time we will have it I will force the issue against the people. Ito sundin namin, no corruption.

I ask that every cabinet member or guys in cabinet member, not even a whisper.­ You must be beyond whisper because then we lose our friendship and that all of my friends there I have trust in them. The only thing I ask from you is no corruption,” sabi ng ­Pangulong Digong.

“All of the Cabinet members that you see now are my friends, my fraternity brothers, and people­ from Davao whom I know. I could not have selected my Cabinet from here and that was the criticism: magkaibigan, friends, magkainuman, drinking partners.

But for the life of me, I have a serious problem and I cannot drink anymore. I do not go out. After work, I go back to my bedroom and start on state papers,” ayon pa sa Pangulo.