Ipinagtanggol ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kabuuang P7.5 bilyong­ pondo para sa confidential, intelligence at contingency fund ng kanyang tanggapan sa s­usunod na taon.

Ginawa ni Pangulong­ Duterte ang pahayag matapos kuwestiyunin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang napakalaking­ budget proposal na maaaring mapunta lang umano sa kampanya laban­ sa iligal na droga.

Sa ilalim ng panukalang budget ng Office of the President (OP) sa susunod na taon, humihingi ito ng P2 bilyon para sa confidential and intelli­gence fund at P5.5 bilyon­ para sa contingency­ fund.

Paliwanag ng Pangulo, gagamitin niya ang pondo para sa makatulong sa trabaho ng mga sundalo at pulis at hindi para magkaroon ng laman ang kanyang bulsa.

“I have so many fights. And he can be very sure that that money will go to either the soldiers or to the police… to buy information. I’m fighting a crisis,” paliwanag ng Pangulo.­

“Wala naman ako hiningi na sabihin mo ibulsa ko,” diin pa niya.

Ipinauubaya na rin ng Pangulo sa Kongreso kung aaprubahan ang hinihingi umano niya sa budget ng OP.

“It will come to a vote and I’m sure Congress would know. Ako, kung ayaw ninyo binigay okay lang sa akin. But, you take care of the problem,” banta­ pa ng Chief Executive.­

17 Responses

  1. Bakit ba ang mga dutititards, pag di ka sangayon sa mga sinabi nila, ang masabi lang nila mga mura, insulto, pangungutya, etc. bakit di kayo maglahad ng matinong argumento. Pinapakita lang ninyona wala kayong utak, di marunong magisip at lumalabas mga uto uto, kung anong sinabi ng amo, nilulunok agad

    1. Panu naman kasi kayong mga adik mga walang kwenta kayo. Salot sa lipunan kaya dapat lang na mawala na kayo sa mundo. Sagabal kayo sa pag unlad ng bansang Pilipinas. Mamatay na kayo mga ungas.

      1. Inamin mo na talaga na adik ka. Hindi man lang nag deny kagaya ni Delimaw? tsk tsk. Hindi sa mga sinasabi ni PDu30 kami nakikinig lang, tao lang ang pangulo at may pagkakataon na nagkakamali yan sa mga sinasabi nya. Pero ang mga nagawa nya na, dun kami naniniwala. Ok lang kung wala kang pamilya na nakikinabang sa mga todo kayod ng mga pulis. Pero kung nakikinabang din pamilya mo, e deny mo na lang. Ganyan naman kayong mga adik eh. Tudo deny.

      1. Mas walanghiya kayong mga dutertards sa pamumuno ng mayor ng davao….sa araw araw na ginawa na diyos walng inatupag kundi magkalat ng tsismis….sa halip na problema ng bansa ang atupagin….buhay ng ibang tao ang kinakalkal ng matadang bading ksama na pati trolls nya

      2. Panu naging tsismis yun eh may mga ebidensya? Problema ng bansa naman talaga ang inaatupag ah, yung mawala na kayong mga adik sa Pinas dahil kayo ang mga salot sa lipunan.