Tinaningan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) company na hindi nagbabayad ng buwis para ayusin ang atraso nito Bureau of Internal Revenue (BIR) sa loob ng tatlong araw.
“Bayaran n’yo ang mga utang n’yo, kapag kayong mga POGO, barilin ko kayo nang de-bomba,” sinabi ng Pangulo sa panayam ng CNN.
Inutusan din ng pangulo ang mga POGO company na irehistro sa BIR ang kanilang operasyon at kumuha umano ng tag number.
“I’m telling them itong POGO, l*** ka, hindi lang ito Chinese kundi Pilipino. Filipino-Chinese. You better settle that utang or else gawin ko kayong pugo p*******,” ayon kay Duterte.
Hinayag ito ng pangulo kasunod ng isyu hinggil sa hindi pagbabayad ng buwis ng mga POGO company. Noong Miyerkoles, sinara ng BIR ang apat na branch ng New Oriental Club88 Corporation sa Parañaque City makaraang madiskubre na hindi ito nagbabayad ng buwis.
Ginawa ang operasyon kaugnay sa crackdown ng pamahalaan sa mga POGO company na tumatakas sa buwis.