Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police na maging neutral sa darating na eleksiyon.
Sa kanyang talumpati sa Philippine Army Change of Command sa Fort Bonifacio, Taguig City, hinikayat ng Pangulo ang mga sundalo at pulis na mangako sa sambayanan na magiging neutral at huwag makisawsaw sa pulitika.
Wala aniyang dapat suportahang mga kandidato dahil may batas na nagbabawal sa AFP at PNP na makialam sa eleksiyon.
Tiniyak ng Presidente na magkakaroon ng isang malinis at tapat na eleksiyon sa darating na 2019 midterm elections.
β Let us make a deal here, promise. Make a commitment to the Filipino people. This election, strictly neutral tayong lahat,β sabi ng Pangulo.
βThe Armed Forces, the Police and the uniformed personnel of government, I am asking you not to indulge in partisan politics. Wala tayong susuportahan,β dagdag pa nito.
Kasabay nito , nagbabala ang Presidente na walang sinumang maaaring gumamit ng resources ng gobyerno, kahit si dating Special Assistant to the President Bong Go.