Duterte tagumpay sa PAL

Naayos na ang atraso ng Philippine Airlines (PAL) sa gobyerno makaraang magbayad ito ng anim na bilyong piso sa ilang taong hindi pagbabayad ng buwis.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagtugon ng PAL sa ibinigay na ultimatum ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay malinaw na paalala na binibigyang prayoridad ng gobyerno ang interes ng mamamayan.

Ayon kay Abella, tinanggap na ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Transport­ation (DOTr) ang alok ng PAL na bayaran nang buo ang kanilang mala­king pagkakautang.

Malaking bagay aniya ang ibinayad ng PAL para maisulong ang mga imprastraktura na makakatulong sa pagpapatatag sa ekonomiya.