Desidido si ­Pangulong Rodrigo Duterte na ­ipatupad ang 15-21 term sharing na kasunduan sa pagitan nina House Speaker Alan Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa House Speakership.

“Iyon ang usapan. That was an ­agreement, solemn agreement ­between the three of us. If you want to use the vernacular, usapang lalaki ‘yon,” sabi pa ni Duterte kaugnay nang gagawing paglilipat ng liderato kay Velasco sa Oktubre 2020.

Si Duterte ay na-interview sa binyag ng kanyang ‘apo sa tuhod’ na si Rodrigo III kung saan dumalo rin si Velasco.
Reaskyon ito ng ­Pangulo sa mga ­lumalabas na pahapyaw ni ­Cayetano na dahil sa kanyang magandang performance umano bilang House Speaker na term ­extension at ipawalang-saysay ang naunang usapan o kasunduan na term sharing.

Unang sinabi ni Ca­yetano na bukas siyang maging House Speaker hanggang sa ­pagtatapos ng 18th Congress kung gugustuihin ito ng ­Pangulo o sakaling hindi suportahan ng mayorya si Velasco bilang Speaker na dahilan para matapon ang term-sharing deal nila ni Velasco.

Umaasa naman si Velaso na tutuparin ni Cayetano ang kanilang term-sharing deal. Sinabi nito na umaasa pa rin ito na ibibigay ni Cayetano ang posisyon base na rin aniya sa kanilang napagkasunduan.

“Sa akin, ang alam ko, tuloy pa rin. An agreement is an agreement. A gentleman’s agreement is a gentleman’s agreement,” ani Velasco.

Mensahe ­naman ni Velasco kay ­Cayetano: “Based on the ­gentleman’s agreement, I will see you next year as the next Speaker of the House,”
Tiwala naman si Duterte na ‘done deal’ ang term sharing nina Cayetano at Velasco sa susunod na taon.

“Ang usapan naming is sharing the entire—half, half. Ngayon if anyone of them would not honor it, be it Lord Velasco or si Peter Caye­tano that is—that would be his decision. He has to take care that there is an agreement of ­sharing. If you violate it… ­Usapan ‘yan,” sabi pa ni ­Pangulong Duterte. (JC Cahinhinan)