Muling kinastigo ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagkakataong ito, tinumbok nito ang pagiging “misogynist” ng chief executive at ng mga kaalyado nito sa Kongreso.

Sa kanyang pagsasalita­ sa women’s forum ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City, sinabi ni De Lima na kung marami ang naaliw sa mga sex joke ni Pangulon­g Duterte, hindi naman nila iniisip na labag ito sa karapatan ng kababaihan.

Ipinakita pa ng senadora ang video clips kung saan makikita ang sex jokes ng Pangulo.

“That’s our President. By the mentality that it is okay to make jokes about them and we are being overly­ sensitive or KJ by not finding them appropriate­, kaya siguro ang ilan sa atin, without ­realizing it, laugh along, or at least huff about an amused breath or perhaps a smile a little to ­indicate we have a sense of humor,” ani De Lima.

Aniya, kahit na ang ilang mga kasamahan niya­ sa Senado, nagpapakita­ rin ng kanilang pagiging ­misogynist.

“Meron pa nga diyan, tagapagtanggol kuno ng mga kababaihan, lalo ng mga tinaguriang “comfort women” pero iyon, nagsusulong na ipa-forensic ana­lysis kuno ‘yung fake sex video… to what end?” banat pa nito.

3 Responses

  1. Ikaw lang de Lima ang ginaganyan ni Duterte kasi feeling mo super galling mo ngayon nakahanap ka ng iyong katapat. Nagsisisi ako bakit kita binoto de Lima akala ko magagamit mo ang iyong talino para sa sa ating bansa subalit ginagamit mo para sumira sa ating bansa.

  2. PUll tang na itong mag asawang delima at duterte walang katapusang away nagbabatuhan pa pareho ng baho sa publiko,,,mag paannul na lang kayo para nmanahimik na kaming taong bayan,,,pareho kayong matatanda kaya dapat lang na mahiya naman kayo….