DUTERTE VS DE LIMA SUMABOG NA!

President Rodrigo Duterte at Sen. Leila de Lima

Prangkahang pinun­tir­ya ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang isang ­senadora at tinawag na “immoral woman”.

Sa kanyang pagsasa­lita kahapon, binatikos ng Presidente ang isang senadora dahilan sa pagiging imoral at pagkakaroon ng relasyon sa kanyang sariling driver.

“…and here is a Senator complaining when one day will tell you that her driver herself who was her lover who was the one also collecting money for her to envy­ complain.

Here is an immoral­ woman, flaunting well of course in so far as wife of the driver was concerned it’s adultery here is a woman who funde­d the house of her lover and yet we do not see any complaint about it.

Those money came readily from drugs. The intercept bet­ween Muntinlupa and the driver were far beyond making sure that somebody was involved. But in fairness I would not say here that the driver gave the money to her but by the looks of it she had it,” pahayag ng Pangulong Duterte sa ika-115 Police Service Anniversary sa Camp Crame kahapon ng hapon.

Sa isang pulong balitaan naman pasado alas-kuwatro ng hapon kaha­pon, diretsahan na ring binanggit ni Presidente Duterte kung sino ang senadora na kanyang tinutukoy.

“I will produce to you a tape many, many years ago. There is a crusading lady of the human rights went to Davao just before entering the room where there is investigation…’ ‘pag nakakita ng media umiiba ang mukha, nag-iiba ng anyo. Totoo puntahan mo ngayon aba­ngan mo ‘pag nakakita ng glaring lights tapos ‘yung camera nag-iiba ng anyo. Akala niya she’s the conscience of the country…”

“But at the time you libeled me, you slandered me I kept quiet because you are a lady. Sumobra ka na maybe you won on the platform of human rights. Ang bugok na Filipino naniwala sa’yo ‘yung bumoto lang din sa ‘yo hindi naman lahat,” pahayag ng Pangulo sa ginanap na press conference sa airport.

Nang tanungin ng media kung kayang pangalanan ng Pangulo ang lady senator, ang sagot nito, “I can. Because it’s a part of my duty. You want to know the name? De Lima.”

Pero kumambiyo naman ang Pangulo at sinabi na ang usapin na binabanggit nito sa senadora ay patungkol sa isyu ng imoralidad.

Matapos ang talumpati­ kahapon sa Camp Crame ay tumulak patungong NAIA Terminal 3 si Presidente Duterte at personal­ na sinalubong ang mga labi ni Navy Petty Officer 3 Darwin Espallardo, ng Naval Intelligence Security Group na isa sa tatlong sundalo na nasawi sa anti-drug operation sa Cotabato nitong Agosto 14 habang inihahain ang dalawang search warrants.

Samantala, nangako naman ng buwelta nga­yong umaga ang kampo ni Sen. Leila De Lima sa pasabog ni Pangulong Duterte.
Ito ang tiniyak ng media relation officer ni De Lima matapos tumbukin ni Pangulong Duterte ang senadora.

Hindi pa malaman kung ano ang maaaring­ ibato ni De Lima laban­ sa Pangulo sa gagawin­ nitong press conference­ sa Senado ngayong alas-­9:30 ng umaga.

Ilang oras bago tuku­yin ng Pangulo ang p­angalan ni De Lima ay nagbigay ng pahayag ang senadora at sinabing character assassination ang ginagawa ni Duterte.

“I do not want to dignify that. It’s so foul. It’s character assassination,” diin ni De Lima.
“That is a very clear case of character assassination and I did not expect the President to do that. Sa totoo lang,” dagdag pa niya.

Naniniwala pa si De Lima na kaya ibinalita­ ni Pangulong Duterte ang lady solon na may driver-lover na kubrador umano ng payola sa drug lord ay dahil sa nalalapit na imbestigasyon ng Senado sa serye ng extrajudicial killings at summary execution sa bansa.

“Very bad timing. I don’t know kung ano po agenda nila. Agenda nila that they’re resorting to character assassination,” banat ng senador.