DUTERTE VS SERENO MULING NASINDIHAN

duterte-sereno

Panibagong iringan na naman ang sumiklab sa pagitan ni Pangulong­ ­Rodrigo Duterte at Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno­ kaugnay pa rin sa giye­rang inilunsad ng kasalukuyang administrasyon laban sa iligal na droga.

Kagabi ay may panibagong hirit si Pangulong Duterte kay CJ Sereno.

Ayon kay Pangulong Duterte ang Chief Justice ang siyang gumagawa ng pinangangamba­han nitong­ anarkiya.

Sinabi rin ng Pangulo na may mali sa mga ipinahayag ng Punong Mahistrado.

“I’d like to respond to the Chief Justice, as much as possible I want to be respectful, basta I can ever be. Madam Justice you are again wrong when you say do not allow yourself to be arrested if there is no warrant,” ani Pangulong Duterte.

“You will be, dagdagan mo ang patay niyan. Kasi kung sabihin mo sa tao ngayon ‘pag walang warrant eh may baril ako, may droga ako rito, here in wars you do not allow yourself to be arrested without a warrant is a very dangerous statement. You will promote anarchy, the things that you really fear …there is no anarchy under my watch, 800 even 5,000 could have caused anarchy alam mo there are ways of doing it and may I let you, the public, hindi kayo sa Supreme Court. You can arrest a person without a warrant and that’s the order of the court to any security police or military,” bahagi ng naging talumpat­i ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-10 anibersaryo ng Eastern Mindanao Command sa Davao City.

Ang reaksyon ng Pa­ngulo ay kakawing ng naging mensahe noong Huwebes ni CJ Sereno na mahalaga ang tungkulin ng hudikatura na pigilan ang paghantong ng bansa sa anarkiya dahil sa nagaganap na patayan at pag-aresto sa mga pinaghihinalaang sangkot sa bawal na gamot nang hindi dumadaan sa tamang proseso.