Duterte walang dapat ipaliwanag sa pagsibak kay Abella

Walang dapat na ipaliwanag sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagsibak  sa  dating  tagapagsalita  nito na  si Undersecretary Ernesto Abella.

Inihayag  ito ng  Pangulo nang  tanungin  kung  ano ang  dahilan  kung bakit  pinalitan nito si Abella  bilang  Presidential Spokesman.

Ayon sa  Pangulo, personal na  desisyon  niya  ito  kayat  hindi  na  kailangang  sabihin  pa ito sa  publiko.

“My… the reason is my personal decision. I am not about to explain why I did it.My decision is mine only,” ang  maikling  pahayag  ng  Pangulo.

Biyernes ng gabi nang ianunsiyo ng Presidente sa Davao City na si dating Congressman Harry Roque  na ang bagong  Presidential Spokesman .

Walang  Pahiwatig  si Pangulong Duterte kung  bibigyan ng  ibang  posisyon sa  gobyerno si Abella.