Duterte: Who is this stupid God?

Tiyak na mag-iinit na naman ang simbahan matapos kuwestiyunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang bahagi ng bibliya, partikular ang pagbuo ng Diyos sa mundo at ang unang taong sina Adan at Eba.

Sa kanyang talum­pati sa 2018 National ICT Summit sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi niya makuha ang lohika ng Diyos na matapos bumuo ng halos perpekto ay nag-isip na subukang tuksuhin at sirain ang obra maestra.

“Ngayon kso lang nalaman na ang God ay ma-lonely pala. Buti na lang walang babae sa tabi niya siguro. God was lonely,” anang Pa­ngulo.

“Who is this stupid God? Estupido talaga itong **** *** kung ganon. You created some – something perfect and then you think of an event that would tempt and destroy the quality of your work,” dagdag pa ng Pangulo.

Inihalintulad naman ng Pangulo ang ahas sa bibliya sa mga taong gobyerno na walang utak.

Maging ang paniniwala ng Katoliko sa original sin ng bagong silang na sanggol ay kinuwestiyon din ng Presidente dahil hindi aniya ito katanggap-tanggap.

“So tayo ngayon, all of us are born with an original sin. Ang original sin–ano man yan? Was it the first kiss? O.. what was that sin? Bakit original? Nasa womb ka pa, may kasalanan ka na.

“C*** c*** man lang yun ng nanay pati tatay mo. Tapos ngayon may original sin ka na. T****I** anong klaseng relihiyon yan!,” dagdag pa ng Pangulo.