Nabulabog kahapon ang 4 na sulok ng National Basketball Association sa Estados Unidos, at maging ang mundo ng sport nang mapaulat na nagbaba na rin umano ng kapa si Washington Wizards center Dwight Howard.

Sumabog na ang kontrobersya sa buong mundo kaya hindi natapos ang araw ng Sabado binasag na ng NBA star ang pananahimik sa paggamit ng internet.

Dinenay niya ang mga siniwalat nang nagsasabing dati niyang boyfriend.

Pero lumalala pa ang senaryo nang banggitin nang nagnga­ngalang Masin Elije na pinagbabantaan pa siya at sine-sexual harassment ng basketbolista.

“I was afraid to speak but today my life was threatened after I was sexually harassed, threatened and manipulated, by someone I respected, my ex boyfriend NBA player Dwight Howard, and his camp also “catfished”s by his disrespectful ass PASTOR,” bulalas ni Elije.
Hindi pa nakakapaglaro si Howard dahil nagpapagaling sa kanyang injury.