Dyowa ng tibo tinikman ng kainuman

Presinto ang kinahantungan ng isang 20- anyos na lalaki nang gapangin nito at i-oral sex ang dyowa ng isang “tibo” na kanyang nakainuman kamakalawa ng umaga sa Tondo, Maynila.

Naaresto ng mga Barangay volunteer na sina Bartolome De Guzman, Reynaldo Babante at Lino Dainog, ng Isla Puting Bato, ang suspek na si Ronnie Salut, taga- Purok 2, Isla Puting Bato Brgy 20.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Gina, sa Manila Police District 2, bago ang insidente ay nagka-inuman pa sila ng supek at kinakasama niyang tibo na si Michelle, sa bahay ng suspek na kanilang kaibigan, dakong alas-7:00 ng gabi.

Alas-12:00 ng hatinggabi nang magpasiya ang mag-live in na umuwi na pero sinundan sila ng suspek at nakitulog sa kanila.

Tinangka umano ng mag-live in na pauwiin ang suspek pero dumiretso ito sa kabilang kuwarto at doon natulog.

Dahil nakainom ay mabilis ding nakatulog ang mag live in pero alas-5:00 ng umaga nang maalimpungatan ang biktima na walang panty at kinakain ang kanyang ari ng suspek.

Kaagad nitong ginising ang ka-live in at sabay nilang inatake ang suspek na mabilis namang nakatakbo.

Kaagad na humingi ng tulong sa Barangay ang biktima kaya nadakip rin ang suspek sa kanyang bahay. (Juliet de Loza-Cudia)