Dyowa ni Aaron Carter arestado sa pangangalmot

Dyowa ni Aaron Carter arestado sa pangangalmot

NI : RONA RONDA

Inaresto ang girlfriend ng singer na si Aaron Carter dahil sa kasong domestic violence. Kinalmot umano ni Melanie Martin si Aaron matapos ang kanilang pagtatalo.

Ayon sa report na nakalap ng The Blast, may natanggap umanong tawag ang L.A County Sheriff’s Department dahil sa ingay mula sa tahanan ng singer.

Rumesponde ang kapulisan .Inaresto nila si Melanie dahil sinaktan umano nito si Aaron. May ilang kalmot na nakita sa katawan ng singer. Lahat daw ito ay kagagawan ng kanyang girlfriend.

Ayon pa sa jail record, bandang alas-11 ng gabi inaresto si Melanie . Kailangan niyang magpiyansa ng $50,000.