Marami ang nagpapantasya sa sexy actress na si Ivana Alawi.
Katunayan, siya ang bagong bet ng mga barako at mga berdaderong hombre.
Makalaglag brief daw kasi ang alindog ng aktres.
Pati nga ang boyfriend ni Alex Gonzaga ay smitten sa alindog ng bagong sex symbol.
Sey ito ni Alex . Nabuking daw niya ang dyowa.
Kaya naman ayaw magpakampante ni Alex dahil baka masilat pa ni Ivana ang kanyang boyfriend.
Echos niya, kaya rin daw niyang magpaka-seksi tulad ni Ivana.
Pero kidding aside, sobrang malaki ang paghanga ni Alex kay Ivana. Naiintindihan daw niya kung nahawahan na rin ng Ivana fever ang kanyang fiancé na si Mikee Morada.(Archie Liao)