Dyowa ni Andi takot kay Jaclyn

PAK!
Allan Diones

Third week of this month pala manganganak si Andi Eigenmann, sabi sa amin ng madir niyang si Ms. Jaclyn Jose.

Gaya ng anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie, girl ulit ang magiging baby ni Andi with her Siargao-based surfer boyfriend na si Philmar Alipayo.
Sey ni Ms. Jaclyn, mabait naman daw si Philmar at nakikita niyang alaga nito si Andi.

Takot daw sa kanya si Philmar at hindi ito nagsasalita dahil hindi ito marunong mag-Tagalog. Si Andi raw ang nagbi-Bisaya.

Supportive daw si Ms. Jaclyn kay Andi kahit anong gawin nito. Actually, mas gusto niya raw ‘yung Andi ngayon dahil nakikita na niya ang maturity nito.

Marunong na raw itong mag-budget. Pati pagpatay ng aircon ay natutunan na nito, samantalang dati ay one week daw hindi nagpapatay ng aircon si Andi nu’ng sa bahay niya pa ito nakatira porke siya ang nagbabayad ng kuryente at hindi ito.

In fairness ay malaki na raw ang pinagbago ng 29-anyos na aktres at hindi na siya binibigyan nito ng stress.

Naaliw kami sa chika ni Ms. Jaclyn na matagal na siyang walang love life. Gusto niya raw sana, pero wala talaga, so gumibap na siya.

Nagwu-worry raw siya na baka magka-cancer of the uterus siya dahil ganu’n daw ‘yon sa babae kapag matagal na hindi nagagamit.
Gaano katagal na ba siyang bakante?

“Decade!” mabilis na sagot sa amin ng 56-anyos na aktres.
So, anong gusto niyang gawin sa problema niyang ‘yon?

“Hindi ko ma-solve! Wala, eh. Hindi naman puwedeng manghila ng lalake!”
Pero puwede siyang makipag-date, ‘di ba?

“Kung may lalapit, oo agad ako! Hindi nga. ‘Pag sinabi sa aking, ‘Can I take you out?’ ‘Yes! Sure!’” natatawang sey ng 2016 Cannes Best Actress.
Parang mas okey sa ganu’n ang mga foreigner. Okey ba sa kanya ang afam?
“Kahit ano. Kahit sino.”

Actually, sinabihan daw siya ng binatilyo niyang anak na si Gwen na gagawan siya nito ng Tinder (sikat na dating app) account, pero ayaw niya.
Mas okey na raw siya sa buhay niya na trabaho at bahay lang siya, wala pa siyang sakit ng ulo.

Samantala, katrabaho ulit ni Ms. Jaclyn si Andrea Torres na parang anak na kung ituring niya.

Nagkasama sila before sa “The Millionaire’s Wife,” at “Alyas Robin Hood” (1 & 2), ngayon ay mag-ina ulit sila sa bagong primetime Kapuso soap na “The Better Woman.”

Ani Ms. Jaclyn, habang tumatagal ay mas gumagaling na aktres si Andrea. Pinuri niya rin ang leading man nitong si Derek Ramsay, na always approachable daw at mabait kahit na mayaman at hindi na kailangang magtrabaho.

Marami raw siyang kilalang artista na hindi mayaman pero kabaligtaran ang ugali, samantalang si Derek ay napakabait at marunong makisama.
Tuwing darating daw ang aktor sa set ay ang gagara ng sasakyan nito kaya alam mong yayamanin talaga.

Kapuso kampante sa pagtapat sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Kung si Eric Quizon ang tatanungin ay okey na siya sa dating timeslot ng ‘Sahaya’ na pagkatapos ng ‘Kara Mia’ pero desisyon ang GMA management na ilagay sila sa dating oras ng huli, na pagkatapos ng ‘24 Oras’.

Alam nina Eric na malakas ang tinapatan nilang programa, pero kampante rin sila d­ahil ang ganda ng “Sahaya” at ito ang pinakanagri-rate sa primetime shows ng Siyete.

Bukod sa may katuturan at makatotohanan ay may matinong kuwentong madaling sundan ang “Sahaya” para kay Eric, kaya maging sa abroad ay marami siyang kakilala na nanonood nito.

Ang mommy raw niya na nasa Amerika ay tutok sa nasabing serye at may sarili itong bet kung sino kina Miguel Tanfelix at Migo Adecer ang gusto nitong makatuluyan ng bidang si Bianca Umali.

Anak ni Eric si Migo sa “Sahaya” at nababaitan siya sa binata na tahimik lang daw at walang reklamo.

Si Miguel ay close sa kanya dahil kilala na niya ito since “StarStruck Kids.” Gandang-ganda naman si Eric kay Bianca, na bukod sa sexy ay ang galing daw umarte at may lalim ang akting.