Dyowa ni Catriona sinubukan sa ‘Unang Hirit’

tonite-this-is-it-roldan-castroBawat galaw ngayon ni Clint Bondad ay pansinin dahil dyowa niya ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Mas dumami ang nagkainteres sa kanya nga­yon. Nang mapanood nga siya sa ‘Unang Hirit’ ay marami ang nagtatanong kung magi­ging regular host na raw siya.

Ayon sa source, sinusubukan pa raw si Clint pero posibleng maging mainstay siya ng naturang programa.

Talbog!

Richard tumanda ang mukha

Usap-usapan pa rin sa umpukan ang hitsura ni Richard Gomez sa huling pelikula nila ni Sharon Cuneta.

Kitang-kita na raw ang guhit sa mukha. Mukhang napabayaan at nawala ang bahid ng pagka-Adonis niya. Hindi raw siya kagaya nina Gabby Concepcion, John Estrada na kahit nagkakaedad ay alaga pa rin ang face.

Dapat talaga na magpatingin sa derma si Goma. Subukan din niya ang produkto ng Beautederm dahil nagmukhang bata si Sylvia Sanchez nang gumamit ito. Kahit si Tonton Gutierrez ay effective sa kanya ang produkto ng CEO at Pre­sident na si Rhea Tan.

‘Yung mga guhit dati ni Ibyang sa mukha ay nawala at fresh siyang tingnan.

Tsuk!

Alyssa balik sa pagkanta matapos mabigo

Dugong showbiz ang nananalaytay kay Micaella Alyssa ‘Yssa’ Muhlach ­Alvarez.

Siya ay panganay na anak nina Almira Muhlach at ang basketbolistang si Bong Alvarez.

Bago pa siya naging kinatawan ng Reina Hispanoamericana 2018 ay isa na siyang recording artist. Magaling na acoustic singer si Alyssa.

Actually, nagkaroon na siya ng dalawang album. Una ay ang self-titled album niyang “Yssa Muhlach” at ang “Addicted to Acoustic 3” na nakatanggap ng Gold Record Award under Viva Records.

Bagama’t nabigo siya na masungkit ang titulo bilang Reina Hispanoamericana 2018 ay may singing career siya na babalikan. Mas may interes na sa kanya ngayon ang publiko bilang isang beauty queen-singer.

Puwede rin siyang sumabak sa akting dahil mahuhusay namang umarte ang pamilya Muhlach.