Dyowa ni Maxine magaling sumisid

Kakaiba ang Miss Universe 2016 finalist, kumpara noong nagsisimula pa lang s’ya bilang beauty queen.

Namumutakti ang kanyang bikini photo sa Instagram, bago pa man nagsisimulang uminit ang papasok na summer.

Wala nang pakialama­nan, walang basagan ng trip, at lalong walang kokontra sa mga walang habas na paglalantad n’ya ng kanyang alindog.

Paano nga naman, mas malinamnam ang kaseksihan ni Maxine ngayon. Isang gwapo at yummy divemaster ang kanyang boyfriend sa kasalukuyan.

Magaling itong sumisid sa ilalim ng karagatan.

Siyempre, kailangan rin namang tapatan ni Maxine ang angas ng abs ng kanyang kasintahan.

Mas may karapatan siyang pagnasaan ng maraming anak ni Adan dahil hanggang ngayon isa siya sa pinakamagandang babae sa buong universe.

Total beauty talaga meron si Maxine na syang ibinabahagi nya sa kanyang mga follower. (Rey Pumaloy)