DZMM TeleRadyo nagbalik na

NI: ROLDAN CASTRO

Muling nakasama ng mga Pilipino ang himpilang minahal at pinagkakatiwalaan para sa balita at public service.

Simula kaninang umaga (Mayo 8) ng 5 am, napanood na muli ang DZMM TeleRadyo sa cable at digital terrestrial TV sa iba-ibang parte ng bansa, at sa ibayong dagat sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC).

Maaari rin itong tutukan online sa iWant, dzmm.com.ph, DZMM TeleRadyo Facebook, at ABS-CBN News YouTube channel, o gamit ang ABS-CBN News App at ABS-CBN Radio Service App.

Humaharap man sa pagsubok, hindi matitinag ang katapatan ng bawat anchor, reporter, opisyal, at staff ng DZMM TeleRadyo sa misyon nitong paglingkuran ang sambayanang Pilipino, lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

Tuloy ang ating pagbabalita at paglilingkod.

Tutukan ang buong pwersang pagbabalita ng ABS-CBN News sa ANC, the ABS-CBN News Channel sa cable, at DZMM TeleRadyo sa cable at ABS-CBN TVplus, sa TFC, sa online sa iWant at iba-ibang social media accounts ng ABS-CBN News, ABS-CBN News YouTube channel, news.abs-cbn.com, patrol.ph, at ABS-CBN News App.