Ibibilang sa mga atraksiyon sa Rizal Park (Luneta) ang mga ibibiyaheng E-jeep bilang pagbibi­gay-halaga sa ating kultura kung saan ang mga jeepney ay itinutu­ring na isa sa pangunahing transportasyon sa bansa.

Sa isang simpleng turnover ceremony ni National Parks and Development Committee (NPDC) executive director Pene­lope Belmonte, tinanggap nito ang E-jeepney mula kay Elmer Francisco, may-ari ng Francisco Motors Corporation.

Sinabi ni Belmonte sa kanyang speech, ang jeepney ay sumisimbolo sa pagiging Filipino at sa Pilipinas.

“Ang jeep ang nagdadala sa atin sa iba’t bang destinasyon. Ito ang pinaka-affordable na means of public transportation mula noon hanggang ngayon. Hindi rin natin masasabi na tayo ay Pinoy kung ‘di pa tayo nakasakay sa isang jeep,” ayon kay Belmonte.

“Hindi kailangang alisin ang isang bagay upang sumabay tayo sa agos ng panahon. It is just a ­matter of re-branding, upgrade and improvement, to better serve the public at ito na nga po ang tamang panahon upang isulong ang pagbabago sa anyo, istruktura at kapasidad ng ating mga jeepneys,” dagdag pa ni Belmonte.

Mararanasan na umano ng mga dayuhan na makasakay ng jeep habang namamasyal sa atraksiyon sa Luneta sa halagang P10 lamang.