Maibibigay na sa Disyembre ang emergency powers na hinihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko.
Paniniyak ito ni Senador Grace Poe, chairperson na Senate Committee on Public Services na siyang dumidinig ng panukalang pagkakaloob ng emergency powers sa Pangulo.
Ayon kay Poe, target ng kanyang komite na bago mag-Christmas break ang Kongreso ay maibibigay na ito.
“Ang target ay before the Christmas break ng Kongreso, iyon ang aking gusto,” ayon kay Poe.
Sinabi ng senadora, na wala naman siyang nakitang mahahadlangan pa ito dahil halos lahat naman ng miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay suportado ang panukala.
Sa ngayon, ayon kay Poe, ay masusi nang binubusisi ng kanyang komite ang isinumiteng proposed draft ng Department of Transportation (DOTr) para sa ipagkaloob na emergency powers sa Pangulo.
Kailangan umanong masiguro na anumang probisyong saklaw ng emergency powers ay malinaw at detalyado upang matiyak walang makakalusot na anumang pang-aabuso.
Dapat lang na maipagkaloob yang emergency power na yan para mapaimplementa na yang gusting mangyari ng president na development sa infrastructure at yang 1trillion na yan ay dapat na immediate na approval lalo na kung ang nakikita ay pang mahabang benipisyo ang kalaagyan ng mga proyekto. ang tangin tingnan dyan ay yung tamang pagmomonitor sa mga humahawak lalo sa mga nagpapaimplementa ng proyekto na di lalabis at pag me nakita mabigat na parusa ang igawad. Yang senado at kongreso dapat magkaisa at di puro suspetsa sa bawat isa at dapat direksyo ang mithiin di pansarili. kung ang lahat ng budget ay ilalagay sa tama di malayo na maabot natin ang mga bansa na asensado at pagnagawa yang kaayusan sa peace and order mas mainam. Ang pilipinas may pera ninanakaw lang ng mga tao sa gobyerno. Kung maayos lang at di pansarili ang mga taong gobyerno matagal na sana tayo kagaya ng Singapore.