Imbes na bilisan ay tila naging usad pagong ang takbo ng hinihirit na emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte para solusyonan ang problema sa trapiko.

Kahapon, sinuspendi ng Senate Committee on Public Services ang pagdinig nito ukol sa panukalang pagkakaloob ng emergency powers sa Pangulo dahil sa kabiguan pa rin ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsumite ng kanilang kongkretong mga proyekto para sa emergency powers bill.

“The Executive branch is in a hurry to pass the emergency powers bill, but based on our hea­rings, we have learned that the DOTr and the Metropolitan Manila Development Authority have yet to come up with concrete projects under the emergency powers bill,” ayon kay Senador Grace Poe, chairperson ng komite.

May pangamba si Poe na masasayang lamang ang dalawang taon na ibibigay para sa emergency powers kung gagamitin lamang ang panahong ‘yun sa pagpaplano.

2 Responses