Malabong ibigay ngayong taon ng Kamara ang emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte ­dahil ayaw umanong makipagtulungan ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ang inamin ni House Speaker Pantaleon ­‘Bebot’ Alvarez kahapon ukol sa kalagayan ng emergency power na ang magpapatupad ay ang tanggapan ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

“‘Yung emergency power, medyo mahihirapan pa ng kaunti ‘yun dahil nga hindi naging cooperative ‘yung DOTr,” pahayag ni Alvarez kaya malabong maipasa ito bago ang Christmas break.

Ayon sa House leader, kailangang mailatag muna, aniya, ang mga gagawin ng ahensya para alam umano ng Kongreso kung anong klaseng dagdag na kapangyarihan ang ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

24 Responses