May kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang ipagkakaloob nitong emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte oras na makitang hindi nito sinunod ang mga itinakdang kondisyon at nagkaroon ng pang-aabuso.
Ito ang paglilinaw ni Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Service, na siyang humahawak ng pagdinig kaugnay sa panukalang pagkakaloob ng emergency powers sa Pangulo upang resolbahin ang problema sa trapik.
Ayon pa kay Poe, hindi siya tutol bukod sa hindi naman siya takot na pagkalooban ng emergency powers ang Pangulo upang resolbahin ang traffic sa Metro Manila dahil panahon na upang bigyang solusyon ang lumalalang problema ng trapik sa Metropolis na araw-araw nang kalbaryo ng taumbayan.
Ngunit sa kondisyon na malinaw ang intensiyon ng ipagkakaloob na kapangyarihan at kung saan at hanggang kailan ito dapat gamitin.
“Mayroong kapangyarihan ang Kongreso at Senado na bawiin ito ‘pag hindi sinusunod ng gobyerno ‘yung mga nakatala dito,” ayon kay Poe.
Paglilinaw ng senadora na magiging mahigpit at detalyado ang bubuuin nilang emergency power para sa Pangulo.
“Sa emergency powers na maibibigay natin kailangang may deadline. Nakadetalye kung anu-ano lang ang pwedeng paggamitan nito,” dagdag ni Poe.
hindi po abusado ang pangulong Du30, Madam Senador.