E-powers dapat FOI compliant

grace-poe

Kahit matindi ang pangangailangan as in as soon as possible o ASAP ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang matinding trapiko sa Metro Manila ay iginiit ni Sen. Grace Poe na kailangang Freedom of Information (FOI) compliant ito.

Binigyang-diin ng senadora na chair ng Senate Committee on Public Services at nangunguna sa paghawak ng mga nakabinbing panukala sa emergency power ang kahalagahan ng transparency sa igagawad na e-powers.

“Dapat transparent o may FOI complaint dahil sa nangyari sa Electric Power Acts of 1993 sabi nila ‘yun daw ang naging puno’t dulo kaya nagmahal ang kur­yente sa ating bansa nang bigyan ng emergency power­ si dating Pangulong Fidel Ramos.

Ang detal­ye ng panukala ay hindi nakita at dahil hindi kasama ang taumbayan­ sa pagkilatis sa kontrata ay nagkaproblema,” pagpapaliwanag pa ni Poe sa isang panayam.

Kaya naman matinding paghimay ang gagawin ng Senado sa hinihirit na e-powers upang hindi na maulit ang sinapit ng bansa noong panahon ni dating Pangulong Ramos.