HAVEY: Natapos na ni Edgar Allan (EA) Guzman ang pelikulang Deadma Walking kasama si Joross Gamboa.

Isang napakagandang experience ang paggawa nila ng pelikula kaya ang producer nilang si Rex Tiri ay nagsabing, “Salamat sa tiwala.

“Hindi ganoon kaganda at kagaan ang proseso ng paggawa ng pelikula kung hindi silang dalawa ang bida.”

Sa dami kasing kumbinasyong pinagdaanan ng pelikula, lumaki at naging star-studded ito dahil na rin sa goodwill ng mga bumubuo rito at ng dalawang bida.

Isa sa significant cameos ay si Gerald Anderson na kasama pa ni EA na back up dancer noon ng kanilang Kuya Joross.

Noong nagkaroon ng concert sa Music Museum si EA, si Gerald Anderson ay pumayag para maging special guest.

“Ito ang isang samahan na hinding-­hindi na mabubuwag,” sabi ni EA.

Gustong makarami ni EA sa paggawa ng pelikula ngayong taong ito kaya tinanggap niya ang espesyal na role sa Julia Barretto-Joshua Garcia movie sa direksyon ni Antonette Jadaone.

“Namiss ko kasi ang paggawa ng pelikula na medyo nag-take ng back-seat noong gawin namin ‘yung Doble Kara,” sabi ni EA.

Muntik na rin sana siyang magbalik teatro via the musical na Maynila Sa Kuko Ng Liwanag nang imbitahin siya ng produksyon na maging Julio Madiaga (pagkatapos mawala nina Michael Pangilinan at Sam Concepcion).

Kaso, hindi na talaga kakayanin ng schedule ni EA especially ngayong­ balik-Pilipinas na ang taping ng kanyang bagong teleserye with Heart Evangelista na My Korean Jagiya.