Pinaluhod ng MLQU-Victoria Sports ang EAC 73-68 sa MBL Open Basketball tournament sa Victoria Sports Tower sa EDSA, Quezon City.
Sablay ang dalawang 3-point attempts ng Generals na nagtabla sana sa laro bago ibinaon ni Jayson Grimaldo ang panelyong free throws 7.9 seconds na lang para ipreserba ang panalo ng Stallions.
Tumapos si Grimaldo ng 19 points, umayuda ng 15 si Juan Miguel Gula at may 13 pa si Nikko Lao sa MLQU.
Namuno sa EAC ang 28 points ni Jethro Mendoza na kinapalooban ng conference-high eight 3-pointers.