Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. — UE vs FEU
4 p.m. — AdU vs ADMU

Sasakay ang Ateneo Blue Eagles sa five-game winning streak upang masipa ang Adamson University at masukbit ang natitirang twice-to-beat incentive sa LXXIX season UAAP seniors men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Para makaiwas sa playoff, kailangan ipagpag ng Blue Eagles ang Soaring Falcons mamayang alas-kuwatro ng hapon.

Huling araw na ng elimination, mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage ang top two teams sa Final Four.

Nakuha ng De La Salle ang isang bonus matapos ilista ang 13-1 baraha.

Mag-isa sa pangalawang puwesto ng team standings ang Ateneo ta­ngan ang 9-4 card habang kasalo ng Adamson sa third spot ang defen­ding champion Far Eas­tern University Tamarws hawak ang tig 8-5 records.

Magkakaroon ng three-way tie sa No. 2 kapag nagwagi ang Adamson at FEU.

Makakalaban ng Tamaraws ang ­University of the East sa alas-dos ng hapon.

“We just have to beat Ateneo and create some sort of tie.” wika ni ­Adamson coach Franz Pumaren.

Nabuhay ang tsansa ng Falcons nang talunin nila ang National Bulldogs, 77-53, noong Linggo.

Sumandal ang ­Adamson sa mabalasik na laro ni Papi Sarr matapos tumipa ng 22 points at 15 boards, nag-ambag din si Jun Espeleta ng 15 markers.

Inaasahan naman na ipantatapat ng Blue Eagles ang kanilang sentro na si Isaac Go.

Bumira si 20-year-old Go ng game-high 15 points sa kanilang huling laban sa University of Sto. Tomas.