Pinalakas ng mga national athlete ang kalooban ng mga frontliner at iba pang mga tumutulong sa paglaban ng bansa sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Pinangunahan ni 2000 Sydney Paralympics powerlifting bronze medallst Adelyn Dumapong-Ancheta ang isang nakakataas moral na video tampok ang iba pang players na mga nagbigay ng karangalan sa bansa mula sa mga international sports competition.
Isa-isang nagbigay ng kanilang mga inspirational message ang mga idolo sa sports na bukod kay Dumapong-Ancheta’y kinabibilngan din nina wushu star Agatha Chrytenzen Wong, 2018 Buenos Aires Summer Youth Olympic Games kiteboarding gold winner Christian Tio, basketball player Juami Tiongson, tennis player, Globe ambassador Alexandra Eala, boxer Eumir Felix Marcial.
Swimmer Luke Gebbie at Remedy Rule, cage superstar June Mar Fajardo at professional boxing legend Geronimo ‘Gerry’ Penalosa.
“Kayo po ang tunay na Most Valuable Player sa tunay na buhay dahil marami po kayong inililigtas na totoong buhay sa panahong ito,” sabi ni Philippine Basketball Association six-time MVP Fajardo.
Hirit naman ni Penalosa, “Nagpapasalamat po kami sa inyo dahil iniaalay ninyo ang matinding sakripisyo at mismong buhay ninyo para agad na matulungan ang ating mga kababayan.”
Pinasalamatan din ng mga atleta ang iba pang tumutulong sa kasalukuyang krisis na kagaya ng mga militar, pulis, mga opisyal ng pamahalaan at mga volunteer.
“We could only help you in our own little way of staying in our house and prevent the spread of virus,” ani Rule. (Lito Oredo)