Eala, Wong, Parantac sa PSA Forum

Sentro ng talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum si tennis prodigy Alexandra Eala, Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo sa Malate.

Ibabahagi ni Eala, kasaluku­yang No. 13 sa world junior rankings,­ ang kanyang mga susunod na hakbang matapos ang World Super Juniors Tennis Championships.

Makakasama ni Eala sa 10am session ang kanyang ama na si Mike.

Dadalaw rin sa lingguhang balitaktakan na mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sina wushu artists Agatha Wong at Daniel Parantac.

Ililitanya nina Wong at Parantac ang kanilang kampan­ya para sa darating na 30th Southeast Asian Games 2019 na gaganapin sa bansa.

Mapapanood ang forum ng livestreame via PSA Facebook page
fb.com/PhilippineSportswriters Association at eere rin ng delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 mula 1-2 p.m. at 6:30 p.m. (JAT)