East nilampaso ng West

Nagkutsabahan sina Bright Akhuetie at Gab Dagangon sa opensa at giniba ng West ang East 111-77 kahapon sa third NCAA All-Star Game sa The Arena sa San Juan.

Gumarote si Akhuetie ng 16 points at nine boards, ang teammate sa Perpetual Help na si Dagangon ay nagtala ng 14 points para sa kagulat-­gulat na easy win ng West squad.

All-Star Game MVP si Nigerian Akhuetie.

“The most important thing here is that this game is for all the fans, for the league and all the players who made it to this special occasion,” ani West coach Jamike Jarin.

Si Yankie Haruna ng College of Saint Benilde ang hari ng slam dunk competition.
Tinalo ng 22-year-old Fil-Am na si Haruna si Nigerian Eugene Toba ng San Beda sa finals.

Patok ang pamatay ni Haruna na two-handed­ jam sa pasa ni ONE Championship heavyweight titlist Fil-Am Brandon Vera, isa sa mga hurado sa slam dunk.

Sa three-point shooting contest, nanaig si AC Soberano ng San Beda sa nilistang 21 points sa final para ungusan sina RK ­Ilagan ng San Sebastian at Exeqiel Biteng ng Mapua na may 15 at 11.