Inanunsyo kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mawawala ang serbisyo ng kuryente ang malaking bahagi ng Eastern Visayas sa darating na Linggo, Pebrero 26.

Sa abiso ng NGCP, ilan sa mga lugar na labing dalawang oras na mawawalan ng kuryente mula sa alas-singko ng madaling-araw hanggang alas-sais ng hapon ang mga lugar na siniserbisyuhan ng Leyte Electric Cooperative Inc. (Leyeco2), Samar Electric Cooperative, Inc. (Samelco 1 at 2), Eastern Samar Electric Cooperative, Inc. (Esamelco), Northern Samar Electric Cooperative Inc. (Norsamelco).

Ayon sa NGCP, preventive maintenance sa Ormoc-Babatngon-138 kilo volt line at Transformer no. 5 ng Ormoc substation ang dahilan ng shutdown.