Maraming nagsasabi, sure winner na si Floyd Mayweather Jr. pagpirma pa lang niya sa kontrata para bumalik mula retirement at harapin si Conor McGregor sa posibleng maging richest fight ever.
Binansagang greatest defensive fighter ng kanyang henerasyon, panalo na si Mayweather kapag gumana ang kanyang taktika na ginamit para ipanalo ang 50 professional fights, ngayon naman ay laban sa UFC star na ngayon lang sasabak sa boxing.
Easy money dahil sigurado na kay Mayweather ang $200 million pagtapak sa ring Sabado ng gabi sa Las Vegas (Linggo sa Manila).
Matikas na MMA fighter si McGregor, pero wala siya halos karanasan sa boxing ring.
Maaaring maging mabilis ang bakbakan, puwede ring isagad ni Mayweather sa 12 rounds.
Mahigit isang taon na nang huling lumaban si Mayweather, 40.
Nagbanta si McGregor na patutulugin niya si Mayweather sa loob ng two rounds. Hindi raw tatakbo si Mayweather. Gagamit sila ng 8-ounce gloves, mas maliit sa karaniwan sa boxing.
Abangan natin kung may tutumba at kung sino.