Ebon putol ang pakpak sa 81st UAAP season

Hindi na makakabalik si super rookie Lycha Ebon para sa Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws ngayong UAAP Season 81.

Ito ang inihayag ng volleybelle sa kanyang Twitter account matapos bumagsak dahil sa knee injury.

Aniya, kakailanganin ng mahabang gamutan para tuluyang gumaling ang kanyang tuhod.

“Thank you so much sa mga sumuporta sakin this season at sa mga nag pray sa recovery ko, you guys the best!” saad ni Ebon.

“I will not play again and finish this season po, Yes sayang pero di ko po isusugal to because I still have a lot of years pa nman po to prove myself again.”

Matatandaang natamo ni Ebon ang kanyang injury sa fifth set ng laban nila kontra Adamson Lady Falcons noong Marso 24 matapos ang awkward landing ng manlalaro. (Ray Mark Patriarca)