Ebuen humarabas sa Lady Altas sa paghambalos sa Lady Knights

necele ebuen

STANDINGS

TEAMS W L

AU    5 0

SBC   4 0

UPHSD 4 1

SSC-R 2 2

CSJL 2 2

CSB   2 2

JRU   2 3

LPU   1 4

MU    0 4

EAC   0 4

Mga laro mamaya:

(Filoil Flying V Center-San Juan City)

11:00 a.m. – EAC vs CSB

12:30 p.m. – SBC vs. CSJL

Walang kahirap-hirap na tinalbos ng defending champion Arellano University ang Lyceum of the Philippines University , 25-16, 25-17, 25-11 matapos silang akbayan ni Necole Ebuen kahapon sa 93rd NCAA 2018 women’s indoor volleyball tournament elimination round sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Umiskor si rookie Ebuen ng 11 points para sa Lady Chiefs na nasolo ang top spot tangan ang 5-0 karta.

Nasa pangalawang puwesto ng team standings ang San Beda College na may malinis na apat na panalo.

Nagtala ng tig 10 puntos sina team captain Mary Ann Esguerra, Regine Anne Arocha at Andrea Marzan para sa Arellano U.

Sa unang laro ng women’s division, kinalos ng University of Perpetual Help System Dalta ang Jose Rizal University, 25-21, 22-25, 25-14, 25-21 upang ilista ang 4-1 karta at tumambay sa third spot.

Samantala, nagwagi naman ang men’s division ang Altas laban sa Heavy Bombers, 25-17, 25-16, 25-20 para solohin ang pagkapit sa unahan.