Ibinunyag ng dating deputy director for administration of the PNP Drug Enforcement Group (DEG) na si Eduardo Acierto na dalawang Chinese na pinangalanang sina Michael Yang, ang economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte at Allan Lim ang sangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Ayon kay Acierto, kanyang ipinasa ang report tungkol sa dalawang Chinese sa ilang mga opisyal ng pulis noong Disyembre 2017.

“In my investigation, I discovered that our president … is often accompanied by two people deeply involved in illegal drugs,” ayon kay Acierto, na iniuugnay sa lumusot na bilyong pisong shabu sa Bureau of Customs base sa alegasyon ni dating intelligence officer ng ahensya na si Jimmy Guban.

What popped into my mind at the time was maybe the president isn’t aware that these are suspected drug lords.”

Paliwanag naman ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino, kanilang natanggap ang report ni Acierto at idinirekta sa opisina ni Duterte, ginawa umano nila ang validation at nakitang wala umanong kaso ang isang Chinese ukol sa iligal na droga.

“It’s wrong to say that there was no action taken because it was acted upon,” ayon kay Aquino na pinabulaanan ang nasabing report dahil wala umanong kredibilidad si Acierto sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

“In terms of credibility, it’s evident that he’s not credible because, first of all, he has been implicated in the smuggling of drugs,” ayon pa sa PDEA chief.

Base naman sa naging statement ng Palasyo, kinontra ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang kaugnayan ni Yang sa narco trade.

“I think it was already clarified. Even the [Chinese] Ambassador [Zhao Jianhua] has cleared Michael Yang,” ayon kay Panelo sa briefing sa Malacañang