Masaya at mara-ming halakhakan ang appreciation lunch para sa team “Rainbow Sunset.”
Ang Joel Lamangan directed film, ang inuwi lang namang karangalan mula sa 52nd Worldfest-Houston International Film Festival ay Golden Remi Special Jury Prize, Best Story Innovation award para sa screenplay ni Eric Ramos. Ang mga Pambansang Kayamanan, Eddie Garcia at Tony Mabesa, wagi bilang mga panguna-hing aktor.
Kuwento ni direk Joel tungkol sa kanilang pinagwagian, “Ang main focus kasi sa festival nila ngayon ay Chinese films. Present nga sa ceremony ‘yung seasoned actress nila, si Liza Lu, ‘yung bida sa ‘Joy Luck Club’ at ‘Crazy Rich Asians.’”
Patuloy ni direk Joel, “Yung mga Chinese, ang ingay- ingay nila. Hindi tuloy namin narinig na may napanalunan pala kaming special jury prize. Sa susunod na araw na binigay sa amin ‘yung aming plaque.”
Ang film producer, si Harlene Bautista, ang sabi, “Masarap sa pakiramdam na ang ibang lahi, ‘yung mga Amerikanong pinanood kami sa Houston, naintindihan, nagustuhan, umiyak, lumapit sa amin at nag-offer ng congratulations. ‘Yung iba sinasabi, nagbukas ng kanilang mga mata, communication lines sa family, pag-asa ang binigay sa pink community. I will never forget ‘yung isang American audience na sinabi sa akin, ‘thank you for the light that your movie has given us.’”
Sabi ni Eddie, “Best birthday gift for my 90th birthday,” at pag-amin nito, “What keeps me going up to now, I take every role assigned to me as a challenge. You must do it well because it will be the best recommendation for another job.”
May dream role pa ba siya? Sagot ng Buhay na Alamat, “I have practically done all roles. Isa na lang ang hindi ko nagagawa, ang maging leading lady, Hahahaha!”
Given a good script and a great producer and cast, sa edad niyang 90, hindi raw siya magdadalawang-isip mag-direk muli.
Ang kanyang secret to long life, “Do what makes you happy and sa lahat ng bagay, everything in moderation.”
Eh, kamusta naman ang sex life ng isang Eddie Garcia? Walang halong pag-iimbot at buong katapatan niyang tugon, “Sex? Mga twice a month.” Kabog!
***
Derrick maghuhubad sa teatro?
Speaking of theater, how true kaya ang chika na si Derrick Monasterio nga ba, magi-ging welcome addition sa magbabalik na pangma-lakasang Pinoy musical na “Rak of Aegis?”
Kung true nga ang chikang ito, magandang career revamp at reinvention para kay Monasterio ang pasukin at magkandirit sa teatro.
Ibang disiplina ang matututuhan niya rito at bilang aktor, madaragdagan ang kanyang “premium” at “stellar” value.
Derrick naman can carry a tune at tiyak na scintillating ang kanyang magiging presence sa Villia Vinizia at kung may eksenang paghuhubarin sa musical habang basang-basa sa ulan, panalo, hindi ba naman?
Kung saka-sakali ngang pasok na siya sa banga sa “Rak,” at sure naman na magiging matagumpay ito, in a way, may chance na mabura ang pagiging Flapey Boy, hindi FuckBoi, ni Derrick Monasterio, maski itanong niyo pa sa mga pelikulang “Almost A Love Story” at “Wild & Free.” Charot! Hahahaha!