Sa edad na 89 years old ay namamayagpag pa rin sa pelikula at telebisyon ang multi-awarded veteran actor na si Eddie Garcia. In fact, sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay kinamumuhian siya sa kanyang role na kung pumatay ng tao ay akala mo ay pumapatay lang ng ipis.
Sa isang panayam, nasabi ni Manoy (palayaw ni Eddie) na pinaghahandaan na niya ang kanyang kamatayan. Sa katunayan, ang kanyang cremation ay bayad na. Pati ang helicopter na magsasabog ng kanyang abo sa Manila Bay ay bayad na rin.
Alam ni Eddie na doon naman talaga tayo hahantong kaya pinaghandaan na niya ito.
Anyway, noong isang gabi ay pinarangalan si Manoy bilang Lifetime Achievement Awardee ng Singkuwento at naroon siya personally para tanggapin ito.